80

By

Pista opisyal idineklara sa Sta. Cruz, Marinduque; Santiago City at Pres. Roxas sa Cotabato

Walang pasok sa May 3, 2019 sa bayan ng Sta. Cruz, Marinduque matapos itong ideklara ng Malacañang bilang special (non-working) day.

Nakapaloob ito sa Proclamation no. 711 na inilabas ng tanggapan ng Office of the Executive Secretary para bigyang-daan ang founding anniversary celebration ng bayan ng Sta. Cruz.

Idineklara rin ng Malacañang na special non-working day ang May 6, 2019 sa Santiago City, Isabela para bigyan ng pagkakataon ang mamamayan na ipagdiwang ang kanilang founding anniversary.

Mayo a- singko ang talagang founding anniversary ng lungsod subalit pumatak ito sa araw ng Linggo kaya hiniling ng Office of the Mayor ng Santiago City sa Malacañang na gawing Lunes ang selebrasyon para magkaroon ng pagkakataon ang kanilang mamamayan na makapagdiwang at makilahok sa selebrasyon.

Sa Mayo a-otso naman, araw ng Miyerkules ay idineklara ring special non-working day sa mga taga-President Roxas sa lalawigan ng Cotabato para ipagdiwang ang kanilang ika-52nd founding anniversary.

Ayon sa proklamasyon, marapat lamang na mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayan ng President Roxas na makalahok sa mga inihandang aktibidad at selebrasyon sa kanilang natatanging okasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?