13

Jan 12, 2021 @ 18:33
By

Pista ng Sto. Niño: Bawal alak, party, parada

Ipinagbawal ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga party-party sa kalsada, palabas sa entablado, parada, mga palaro at iba pang katulad na aktibidad sa pagdiriwang ngayong taon ng pista ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan.

Sa pinirmahang Executive Order No. 02 series of 2021, bawal ang mga nasabing aktibidad sa Enero 16 at Enero 17 sa gitna na rin ng banta ng coronavirus disease.

Kabilang sa saklaw ng ban ang “Salu-salo”, “Lakbayaw”, pagsasayaw at pagkanta sa kalsada, mga beauty pageant, talent show at sports competition.

Ipatutupad din ang liquor ban at curfew sa nasabing mga petsa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?