56

Piso nakabawi, bumalik sa 49:$1

Bumalik sa P49 ang palitan ng piso kontra dolyar sa kabila ng patuloy na pagdating ng remittances mula sa mga Pinoy sa ibang bansa ngayong holiday season.

Kanina, nagsara ang palitan sa P49.980:$1 matapos magsara sa P50.04 noong Miyerkules.

Sarado ang financial markets sa Lunes at Martes para sa Christmas break.

May natitirang isang araw sa trading ngayong taon bago ang apat na araw na break para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Magpapatuloy ang trading sa Miyerkules, Enero. 3, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?