By

Piskal na sabit sa jewelry smuggling, iimbestigahan din ng DOJ

Sharing is caring!

Magsasagawa ang Department of Justice (DOJ) ng hiwalay na imbestigasyon sa mga public prosecutor na nadadawit sa kontrobersiya ng pagpuslit ng alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay makaraang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing mga piskal na kanyang pinaiimbestigahan dahil sa posibilidad na sila ay sangkot sa katiwalian.

Ang apat na piskal ay sina Prosecutor Samina Sampaco Macabando-Usman, Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clemente Villanueva, at Assistant Prosecutor Florenzo dela Cruz.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang imbestigasyon sa mga nasabing piskal ay hahawakan ng DOJ-Internal Affairs Unit.

Tututok umano ang sariling imbestigasyon ng DOJ sa mga piskal sa kasong administratibo na maari nilang kaharapin.

“The complaint will most likely be filed with the Ombudsman, but it doesn’t prevent the DoJ from conducting its own investigation thru its Internal Affairs Unit,” saad ni Gueverra.

Nag-ugat ang kontrobersiya laban sa mga nasabing piskal makaraan nilang pakawalan at iutos na isailalim sa full blown preliminary investigation ang mag-asawang sina Abraham Mimbalawag at Bang-sa Mimbalawag gayundin ang NAIA Customs Operations Officer na si Lomontod Macabando na hinihinalang sangkot sa sindikato ng jewelry smuggling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?