36

Oct 24, 2019 @ 15:38
By

Pisay grad wagi sa IBM Food Waste Developer Challenge

Gumagawa ng pangalan sa Estados Unidos ang isang Philippine Science High School alumni sa larangan ng computer technology.

Si Justin Banusing kasama ang kanyang team mula sa University of Washington, ay nakuha ang top prize para sa 2019 IBM Food Waste Developer Challenge.

Ang FreShip nina Banusing, kasama ang kanyang mga schoolmate na sina Jonathan Cady at Tanner Koistra, UW alumnus Nathanael Davidson, at mula FloridaTech na si Munaster Syed, ang nakakuha ng top prize para sa IBM-AngelHack virtual hackathon na naglalayong malimitahan ang mga food waste sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ang FreShip ay isang software at hardware platform na nagpapabawas ng food waste sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-monitor at magagamit din sa e-commerce para muling maibenta ang mga pwede pang mapakinabangang food waste.

Halimbawa ay sobrang hinog na ang isang prutas at hindi na mabenta sa merkado, maghahanap ang FreShip ng manufacturer ng pwedeng mapagbentahan pa ng mga nasabing prutas upang hindi ito masayang.

Tinatayang kapag naging matagumpay ang FreShip ay mababawasan ang nalilikhang food waste nang aabot mula 70-percent sa taong 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?