38
views
ABANTE duterte kuwait pinoy ph
By

Pirmahan ng OFW agreement sa Kuwait, sasaksihan ni Duterte

Sharing is caring!

Nakatakdang pumunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait para personal na saksihan ang pirmahan ng kasunduan na magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga Pinoy worker doon.

Inanunsyo ito ni Pangulo sa harap ng may 2 libong overseas Filipino worker (OFW) na dinalaw nito sa Hong Kong nitong Huwebes.

Sinabi ni Duterte na pumayag na ang Kuwait sa mga inilatag nilang kondisyon para sa mga Pinoy domestic helper doon.

Kabilang dito ang pagpapatigil sa pagkumpiska ng employer sa pasaporte ng OFW, pagbibigay dito ng hindi bababa sa 7 oras na tulog, day-off, holiday at maayos na pagkain.

Nilinaw naman ni Duterte na fly-in at fly-out lang siya duon at talagang sasadyain lamang ang lagdaan bilang pagkilala sa pamahalaan ng Kuwait.

Posibleng samantalahin din ni Pangulo ang pagkakataon para silipin ang kalagayan ng mga Pinoy worker sa nasabing bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?