25

By

Pirates ni Topex sinuwag ang 2nd ‘W’

Sharing is caring!

Itinarak ng last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates ang ikalawang sunod na panalo sa senior men’s basketball tournament ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94 sa bisa ng 106-97 win kontra EAC Generals Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi naitanggi ni Pirates head coach Topex Robinson na maganda ang naging laro ng Generals dahil talagang pinahirapan sila nang husto.

Inamin din ni Jaycee Marcelino na isang malaking aral sa kanila ang pagpasok ng third quarter dahil halos 31 puntos ang lamang nila pero na nahabol ito ng EAC at naibaba ito sa tatlong puntos.

“Big lesson sa amin ‘yun kasi 30 ang lamang namin naging tatlo. Kaya sa susunod siguro ‘yun ang pokus namin na hindi na mangyari kapag nakalamang kami ng malaki,” ani Marcelino, na nanguna sa opensa ng Lyceum sa kinubrang 24 points, 8 rebounds, 2 assists at 5 steals.

Nasa 31 puntos ang lamang ng LPU pero agad nakabawi ang Generals sa tulong nina Jethro Mendoza na may 13 puntos, sa likod ng tatlong tres at Jerome Garcia na may 20 puntos, sa likod ng apat na tres.

Sunod na makakaharap ng Pirates ang Jose Rizal University Heavy Bombers na natalo kontra Mapua University sa hiwalay na laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?