3

By

Pirate attacks nadoble sa Pilipinas noong 2017 – IBM

Sharing is caring!

Habang bumaba naman ang bilang ng pag-atake ng mga pirata sa sa buong mundo nitong nagdaang taon, dumoble naman ang bilang nito sa Pilipinas

Ayon sa annual report ng International Maritime Bureau, 180 pag-atake lang ng mga pirato ang naitala noong nagdaang taon sa buong mundo, pinakamababa sapul noong 1995.

Ang Africa pa rin ang pinakadelikadong lugar kung saan may pinakamalaking bilang ng insidente ng pamimirata.

Ang Indonesia, ang may pinakamalaking archipelago sa buong mundo ay bumaba rin ang bilang ng pag-atake ng mga pirata sa 43 noong nagdaang taon, mahigit kalahati sa nakalipas na dalawang taon.

Marami ring bansa ang tumaas ang bilang ng pag-atake ng mga pirata at kasama na dito ang Pilipinas na nadoble ang bilang nitong 2017.

May 22 bilang ng insidente ang naitala sa Pilipinas nitong 2017, 12 bilang ng pagtaas noong 2016 kung saan 10 lamang ang naitala.

Kaakibat sa pamimirata ang padukot sa mga crew nito sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Tumaas din ang bilang ng pag-atake sa Bangladesh na may 11 insidente mula sa dating tatlo lamang, karamihan ay sa Chittagong port.

Ang Gulf of Guinea sa west coast ng Africa ay nanatiling attack hotspot nitong 2017 kung nakapagtala ito ng 16 na insidente.

Sabi pa ng IMB, ang karagtan ng Somalia na nanatiling ring delikado matapos makapagtala ng siyam na insidente noong nagdaang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?