32

Jan 8, 2022 @ 17:55
By

Piolo tikom sa totoong status nila ni Shaina

“What you see is what you get, as simple as that.”

Ito ang naging sagot ni Piolo Pascual nang tanungin sa isang panayam nitong Huwebes tungkol sa mga sweet photo nila ni Shaina Magdayao na pinag-usapan noong Oktubre.

Lumikha ng ingay ang mga larawan ng dalawa dahil makikita dito ang pagiging sweet sa pagitan nila, gaya ng pag-yakap, paghawak ng kamay at paghiga nang magkatabi.

Ang mga larawan ay kuha sa kanilang bakasyon sa Bohol, kung saan kasama pa nila sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

Kaya sa panayam ni MJ Felipe, muling inilutang ang isyu tungkol sa mga larawan na binigyang-linaw naman ni Piolo.

“I think things got a little out of hand because of some photos that went around,” wika ng 44-anyos na aktor. “It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it.”

“Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing,” dagdag pa niya.

“I guess, for now, wala… yun na iyon. What you see is what you get, as simple as that,” pagtatapos ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?