1,518

Oct 19, 2021 @ 11:32
By

Piolo, Shaina nasipatang magkapatong

Usap-usapan ngayon ang umano’y ‘rekindled romance’ nina Piolo Pascual at  Shaina Magdayao matapos kumalat ang ilang litrato nilang sweet na sweet sa isang beach trip.

Makikita sa ilang litrato ang dalawa kung saan tila nakadantay si Shaina sa tyan ni Piolo samantalang nakahiga naman ang aktor sa legs nito.

https://www.facebook.com/111147660462362/posts/406776457566146/

https://www.facebook.com/208309923104547/posts/987230998545765/

Bukod dito, may litrato din ang dalawa kung saan makikita silang nagyayakapan at magka-holding hands.

Taong 2017 nang sabihin ni Piolo na “exclusively dating” sila ng aktres ngunit giit naman ni Shaina, masyado pa noong maaga para lagyan ng label ang relationship nila.

Samantala, taong 2018 nang nilawarwan ng aktres si Piolo bilang kanyang “constant” at “perennial.” (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?