297

Jun 15, 2020 @ 16:20

Sarah, Piolo, Regine pasaway sa face mask

Kinukumpara ang mga host ng ‘It’s Showtime’ sa mga performer ng ‘ASAP Natin ‘To’ sa kanilang pagbabalik sa Kapamilya channel.

Bakit daw naka- face shield o facemask, ang mga taga-Showtime samantalang sina Piolo Pascual, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla at Erik Santos ay hindi?

Kahit sa production number ni Sarah Geronimo ay wala ring takip sa mukha.

Pasaway raw ba sila pagdating sa pagsusuot ng facemask?

Bakit hindi sila sumusunod sa safety protocol?

Ayon sa paliwanag ng production,kumakanta raw ang mga ito. Hindi magandang tingnan na naka-facemask habang nagpe-perform sila. Malayo naman ang distansya ng mga taga-ASAP

Ang mga host ng Showtime gaya nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario ay medyo malapit daw ang pagitan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?