40

Jul 27, 2021 @ 15:51
By

Piolo Pascual solid sa Kapamilya Network

Tinuldukan na ni Piolo Pascual ang mga espekulasyon na bumitiw na siya sa ABS-CBN at lilipat na ng ibang network.

Sa isang panayam sa Cinema One, sinabi ng aktor na hindi niya iniwan ang Kapamilya Network sa kabila na hindi siya napagkikita sa mga palabas nito.

Pinaka-latest TV project ng Ultimate Heartthrob ay ang noontime variety show na “Sunday Noontime Live” sa TV5 noong nakaraang taon.

Pero anang aktor, nananatili pa rin siyang Kapamilya.

“At the end of the day, I never left,” sey niya.

Sa katunayan daw ay nakapag-usap pa sila ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak.

“I spoke with my boss, si Sir Carlo, on the 4th of July, and we had a good talk. When the time I’m done with quarantine, may meeting kami,” aniya.

Binigyang-diin niya ang loyalty sa ABS-CBN.

“I’m a Kapamilya through and through, I don’t have to reiterate that. I’ll be back home for sure, pagkatapos ng mga meetings for sure.

“Just to put this to rest, I’m not going anywhere,” sambit niya.

Kamakailan nag-trending sa Netflix ang movie nila ni Alessandra de Rossi na “My Amanda”.

Marami ring Kapamilya viewers ang natuwa nang masilayan si Piolo virtually sa “ASAP Natin To” nitong July.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?