164

Feb 21, 2018 @ 15:46
By

DAILY RADAR: Piolo Pascual, Shaina Magdayao at iba pang Pinoy delegates, rumampa sa red carpet ng 68th Berlinale

ON-going ang 68th edition ng isa sa A-list film festivals sa buong mundo, ang Berlin International Film Festival o mas kilala bilang Berlinale. Nagsimula na ito last February 15 at magtatapos sa February 25.

Nasa competition section ang pelikulang “Panahon ng Halinaw (Season of the Devil”) ni Direk Lav Diaz, topbilled by Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Bituin Escalante at iba pa.

Kahapon (Berlin time, 12:30PM), ginanap ang red carpet at world premiere ng “Panahon ng Halimaw” sa Berlinale Palast.

Sa Instagram page ni Liza Diño- Seguerra, FDCP Chair & CEO, makikita ang isang photo op ng PH delegates to the 68th Berlin International Film Festival.

Sa caption, sabi ni Liza, “Pinoy Power at the 68th Berlinale- Berlin International Film Festival. Easily, one of the biggest if not THE BIGGEST delegation for one film graced Berlinale’s red carpet today.”

Quoted pa ni Liza ang tinuran ng Berlinale film fest director na si Dieter Kosslick, “‘The sun is always out during the Filipinos red carpet ceremonies. You always bring good weather.’”

Pagpatuloy pa ng masipag na FDCP Chair, “What can I say? The Filipinos can’t help but bring warmth in Berlin’s winter chill. Congratulations team PHILIPPINES! #PHgoestoBerlin2018.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?