1,409

By

Piolo Pascual gusto nang magpakasal ngayong 2019

Sabik na umano ang actor-producer na si Piolo Pascual na ma-in love at posible ring ngayong taon ay mauwi rin siya sa pagpapakasal.

Sabi sa report, kinukulit na umano ang aktor ng kanyang anak na si Iñigo Pascual para hanapan na ito ng stepmom.

Huling nakarelasyon ni Piolo si KC Concepcion, na in love na ngayon sa French boyfriend nitong si Pierre Emmanuel Plassart.

Naugnay din si Piolo kay Shaina Magdayao dahil sa pagiging sweet sa isa’t isa noong nakaraang taon na ABS-CBN Ball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?