1,236

Dec 19, 2017 @ 15:52
By

Piolo ‘one night stand’ ang regalo kay Yaya Moi sa Pasko

SARAP sampalin nitong si Yaya Moi o Moi Bien, na ‘yaya’ nga ni Piolo Pascual. Dami ngang naiinggit sa kanya, dahil hello naman, ikaw ba naman ang makasama ni Piolo, mula umaga, tanghali, at gabi, ‘di ba?

‘Yung tipong paggising mo, ang guwapo, maamong mukha na ni Piolo ang nakikita mo. At jackpot ka pa, dahil madalas nakahubad si Piolo, at sa malapitang tingin ay masisipat mo talaga ang lahat ng abs nito.

Eh, luka-luka rin itong si Moi. Ang lakas ding mang-inggit. Ang lakas ding mang-asar.

Nag-post ba naman ito sa Instagram niya ng mga linyang…

“Humingi ako ng pamasko kay Papa P, dahil nakayakap ako sa kanya pinapili niya ako, cash o katawan. Hulaan niyo anong pinili ko…

“Taghirap ngayon, walang taping, siyempre pinili ko katawan at 1 night stand. Wahahahahahahah. Madaling kitain ang pera. Harharharhar!

“Sana maintindihan niyo ako! Haha!”

Well, kahit alam mong joke lang ‘yon, kakainggit pa rin talaga si Moi.

At sa isang IG post niya, naka-selfie siya na ang background ay ang hubad na katawan ni Piolo. Another pang-iinggit, ha!

“Grabe siya, oh, goodnight bes!” sey lang ni Moi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?