63

Jan 11, 2022 @ 16:09
By

Piolo nagsalita na sa relasyon kay Shaina

Nagsalita si Piolo Pascual kaugnay sa mga kumalat na larawan nila ni Shaina Magdayao kung saan kita ang sweetness nila.

Kuha umano ang mga larawan sa isang resort sa Bohol.

Kita sa mga larawan ang walang kiyemeng yakapan at paghiga sa isa’t isa nina Piolo at Shaina.

Pero ani Piolo, wala namang bago at gusto na lang niyang hayaang mamatay ang isyu.

“Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing. I guess, for now, wala… ‘yun na iyon. What you see is what you get, as simple as that,” ani Piolo sa isang article ng PEP.ph.

Matatandaang taong 2017 nang aminin ni Piolo na exclusively dating sila ni Shaina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?