303
piolo-pascual
By

Piolo nagreact sa breakup nina Iñigo-Maris

Naglabas ng pahayag si Piolo Pascual sa hiwalayan ng kaniyang anak na si Iñigo Pascual at ng singer-actress na si Maris Racal.

Nang tanungin ito hinggil sa naging reaksyon sa breakup ng dalawa, sinabi ni Piolo na sigurado siyang nais ni Iñigo na maging ‘better’ person matapos ang nangyari.

“He wouldn’t want to keep being the cause of other people’s heartbreaks,” saad ni Piolo.

Noong 2017 ay umaming exclusively dating sina Maris at Iñigo at ngayon ay napagdesisyunan umano ng mga ito na tahakin ang magkaibang landas.

Sa isang interview kay Maris, inamin nitong sinaktan ni Iñigo ang kaniyang damdamin ngunit nilinaw din naman nitong walang third party na involved sa kanilang hiwalayan.

Aniya, “we were together, but not officially. We stayed at ‘more than friends’ and didn’t level up.”

Para naman kay Piolo, 21-anyos na umano si Iñigo at nasa tamang edad na ito kung saan ay kaya na nitong magdesisyon para sa kaniyang sarili.

“But I will always be supportive of him. I want him to experience being with somebody, even if he has to go through heartaches himself. It was a learning experience for them,” paliwanag ni Piolo.

Dagdag pa ng aktor, natutuwa siya sa kung paano hinahandle ng dalawa ang mga bagay-bagay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?