By

Piolo maraming utang kay Ruru Madrid

Sharing is caring!

Ngayon ko lang nalaman na inaanak pala ni Piolo Pascual ang alaga namin na si Ruru Madrid. Noong kabataan ng ama ni Ruru ay magkakasama sila sa modeling stint.

Nasa Ad Faces pa noon si Bong na ama ni Ruru. Kaya pala may nakita kaming post ni Ruru na may itinuturo kay Iñigo Pascual sa picture.

Naku, mukhang manghihingi ng pamasko si Ruru kay Ninong Piolo niya ngayong Pasko, ha! Marami na yatang utang si Piolo sa inaanak niya. Ha! Ha! Ha!

Anyway, speaking of Piolo, dahil sa stress sa trabaho ay stress-free ang hanap niya sa bahay. Siyempre sa hirap ng trabaho nila ay comfort ang hanap pagdating sa bahay.

Kaya imbes na mag-isip ng kakainin ay nabaling ang atensyon niya sa Highland Gold Corned Beef na Angus Beef pa. Dahil sa sarap ng Highland Gold Corned Beef ay madalas daw niya itong kinakain. Kaya naman kinuha siyang Brand Ambassador ng nasabing produkto. (Joe Barrameda)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?