107

Sep 16, 2021 @ 15:42
By

Piolo, Lovi bibida sa Pinoy version ng ‘Flower of Evil’

Magsasama sa Filipino version ng hit South Korean series na “Flower of Evil” sina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Sinabi ito ni Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal matapos pumirma sina Piolo at Lovi ng kontrata sa ABS-CBN.

“Our lead stars for the forthcoming Philippine adaptation of the hit Korean Drama, Flower of Evil – Piolo Pascual & Lovi Poe,” saad ni Endrinal.

Ang “Flower of Evil” ay kuwento ng isang lalaki na itinago ang kanyang malupit na nakaraan at binago ang kanyang pagkakakilanlan habang inaalam ng kanyang detective na asawa ang kanyang nakaraan.

Ito ang unang project ni Lovi bilang Kapamilya actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?