62

By

Piolo kalaban ng mga sikat na aktres sa endorsement

Sharing is caring!

Nadagdagan na naman ang mga product endorsement ni Piolo Pascual dahil pagkatapos ipakilala bilang celebrity endorser ng Highlands Gold Corned Beef ng CDO Foodsphere, Inc., pumirma siya ng kontrata bilang bagong ambassador ng Living Water, ang healthy drinking water at largest water filling station sa Pilipinas na pag-aari ng mag-asawang Belle at Edward Prades.

Opisyal na ipinakilala si Piolo sa 13th anniversary celebration ng Living Water sa Crowne Plaza noong Miyerkoles, November 10.

Anyway, si Piolo nga ang mahigpit na kakumpitensya ng mga sikat na aktres dahil siya ang pinipili ng mga giant company bilang endorser ng mga pagkain, tubig, sabon at iba mga produkto na pangtahanan.

Pinagkakatiwalaan si Piolo dahil sa kanyang kredibilidad, wholesome image at malakas na hatak sa mga consumer.

Para kay Piolo, isang malaking blessing ang patuloy na pagkatiwalaan, tulad nang kunin siya ng CDO Foodsphere, Inc. bilang endorser ng Highlands Gold Corned Beef na talagang tinatangkilik at kinakain niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?