221

By

Piolo hindi kinikilig sa mga leading lady niya

Kahit hindi pa naman umaamin si Iñigo Pascual sa natsitsikang relasyon nila ni Maris Racal, still, sa mga pana­nalita naman ng binata ni Piolo Pascual ay lumalabas kung gaano niya ka-love ang kanyang rumored-girlfriend.

Kapag iniinterbyu nga si Iñigo at si Maris ang topic, parang may sparkles sa kanyang eyes, huh! Komento nga tuloy ng marami, mas showy raw si Iñigo pagda­ting sa pagmamahal compared to his dad.

Si Piolo kasi, kahit pa nali-link sa iba-ibang mga aktres, kapag tinatanong naman, hindi lumalabas ‘yung kilig at parang ang galing talaga niyang magtago, unlike his son na kinikilig-kilig pa kapag nagsasalita ng tungkol kay Maris.

Actually, naikuwento nga kamakailan ni Iñigo na type niyang gumawa ng pelikula kasama si Maris at nami­mili na nga lang daw sila ng magandang script na babagay sa kanilang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?