ABANTE aiai piolo con
By

Piolo delikado sa mga makasalanang kamay ni Ai-Ai

Sharing is caring!

Abangers ang fans ni Ai-Ai delas Alas sa Valentine (Feb. 14) concert niyang Ai Love U kung haharasin ba niya ang special guest niyang si Piolo Pascual o magbi-behave ang Comedy Queen ngayong Mrs. Gerald Sibayan na siya.

Sa tuwing may guest na heartthrob si Ai-Ai sa concert, may nagaganap na harutan sa kanila sa stage. May mga panakaw na haplos ang Comedy Queen na bentang-benta sa concert-goers, huh!

Eh, para sa Comedy Queen, wala namang malisya kung may mga panakaw siyang lambing na gawin kay Papa P. Trabaho lang ang ginagawa niya at hindi niya ito pinepersonal, huh! Unless bumigay rin sa kanya si Papa Pa, huh! Ha! Ha! Ha!

Si Gerald naman, dedma lang sa paghaharot ng asawa sa sinumang makasamang aktor sa stage. Tutal naman, secured na secured siya sa pagmamahal sa kanya ni Ai- Ai, huh!

Magaganap ang V-Day concert ni Ai Ai sa Palacio de Maynila at mula ito sa Star Media Entertainment ni Anna Puno.

Anyway, nagsimula nang mag-taping si Ai-Ai ng bagong GMA series na Sherlock Jr. per tutok na tutok pa rin siya sa food business niyang Ai Sarap Express. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?