31

By

Piolo, Daniel, Kathryn concert sa Honolulu sold-out

Sharing is caring!

Sa Saturday pa ang ASAP Live in Honolulu concert sa Neal S. Blaisdell Arena, kaya naman hindi pa lahat ng kasama roon ay nakaalis na ng bansa.

Pero noong Tuesday, karamihan ay sabay-sabay na nagpunta roon. Kasama ni Piolo Pascual ang anak na si Iñigo at ilan sa mga kasabay nila sa flight ay sina Robi Domingo, Toni Gonzaga, Zsa Zsa Padilla, Darren Espanto at iba pa.

Ngayon naman ang alis nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla papunta roon.

‘Yung mga naunang dumating na sa Honolulu ay may kanya-kanyang grupo dahil lumibot sila sa island para mag-spiel shoot.

Ang dinig ko, sold-out na ang mga ticket para sa ASAP Hawaii concert dahil well-promoted ‘yon ng TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?