55

By

Pintor natusta sa sunog

Sharing is caring!

Namatay ang isang pintor habang isa naman ang nasugatan matapos masunog ang dalawang palapag na bahay sa Brgy.Commonwealth, Quezon City kahapon ng tanghali.

Habang isinusulat ito ay hindi pa nakikilala ang nasunog na pintor na umano’y nakulong sa loob ng nasunog na bahay na kanyang pinipinturahan. Kinilala naman ang nasugatan na si Myla Asuncion na nagtamo ng sugat at paso sa katawan.

Sa inisyal na report kay Quezon City Fire Marshal Sr. Supt. Manuel Manuel, naganap ang sunog sa No. 5173 Bolova St., IBP Road, Brgy. Commonwealth, QC dakong alas-12:32 ng tanghali.

Sa ulat, nagsimula ang sunog sa second floor ng bahay na pag-aari ng isang Antonio Dalisay at mabilis na kumalat sa buong kabahayan.

Mabilis namang nagresponde ang mga bumbero at naapula ang apoy dakong alas-12:49 ng tanghali.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng sunog na tumagal ng 17 minuto. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?