7

By

Pintor napuruhan nang paulanan ng bala

Sharing is caring!

Isang pintor ang nasa kritikal na sugatan matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin na lulang magkaangkas ng iisang motorsiklo sa Lungsod ng Caloocan kagabi.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas lang ng Lyn KTV Bar na matatagpuan sa 6th Avenue corner 6th Street, Barangay 123 ng nasabing lungsod.

Masayang nakikipaginuman ang biktimang si George Dela Cruz, 43 anyos, binata, pintor ng Pepertua Street, Barangay 22 ng parehong lungsod sa kaibigang si Jimmy De Luis na naka-pwesto sa labas lang ng nasabing bar nang dumating ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at walang ano-anong pinaputukan ng sunod-sunod ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad ding sumakay nang paangkas sa isang nagaabang motorsiklo ang suspek at pinaharurot ito patakas, agad din namang naisugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktima na ngayon ay inoobserbahan pa rin ang kalagayan sa mga tama ng bala sa kanyang tiyan.

Sa isinagawa namang follow-up operation ng pulisya ay bigo silang masakote pa ang mga suspek, sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtugis sa mga ito gayundin ay inaalam na rin ang posibeng motibo nila sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?