84
shabu-2
Sep 19, 2018 @ 14:20
By

Pintor, 1 pa, tiklo sa shabu

Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P700 sa ikinasang drug buy-bust sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Jomer Hernandez y Santiano, 28-anyos, painter at Zenaida Barsuela y Fajardo, 58-anyos, kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Marikina drug enforcement unit bandang alas-11:50 Martes ng gabi, Setyembre 18, sa Libis St., Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Isang pulis ang umaktong buyer at nakipagtransaksyon sa mga suspek at nang makakuha na ng droga ay agad na silang dinampot.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng shabu at P500 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?