49

Apr 7, 2020 @ 14:57
By

Pinto ng bangko, dinilaan ng Canadian

Isang Canadian national ang gumawa ng eksena sa isang bangko sa British Columbia.

Ang lalaki ay dismayado sa TS Canada Trust dahil sa pagbabago nito ng oras para mabigyang prayoridad ang mga senior citizens. Dinaan ng lalaki sa pagdila ng pintuan ng bangko ang kanyang galit. Mula salamin hanggang hawakan ay hindi pinatawad ng lalaki.

Sa pataas na pataas ng kaso ng COVID – 19 sa buong mundo, hindi pinalagpas ng mga awtoridad ang kabastusan ng Canadian at kanila itong aarestuhin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?