240

Jan 8, 2022 @ 18:37
By

Pinto inayawan Meralco, tumalon sa Ginebra

Tinanggihan ni John Pinto ang alok ng Meralco na two-year deal at piniling pumirma ng kontrata sa Barangay Ginebra San Miguel.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, tatlong taong kontrata ang alok ng Ginebra kay Pinto.

“Nards exercised his right as an unrestricted free agent to move to the team of his choice under the rules and regulations of the PBA,” wika ni Meralco coach Norman Black. “The Meralco team did make him an offer to stay with the team, but I imagine he decided to do what he thought was in his best interest.”

Nag-average si Pinto ng 8.3 points, 3.1 rebounds at 1.9 assists para sa Bolts sa nakaraang kumperensya.

Inaasahan namang makakatulong agad ang 31-anyos na guwardiya sa Ginebra lalo’t ilang buwang mawawala ang superstar na si Stanley Pringle.

Bukod kay Pinto, una nang tumalon ng koponan si Rodney Brondial.

Tinanggihan din ni Brondial ang alok na contract extension ng Alaska Aces para pumirma sa San Miguel Beermen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?