132

Jan 5, 2019 @ 16:28

Pinto biyahe sa Phoenix, Alolino, Eriobu kapalit

Dahil hindi nagkasunduan sa kontrata, ililipat ng Blackwater Elite ang isa sa kanilang maasahang guard na si John Pinto.

Magiging kapalit niya sa Elite sina Gelo Alolino at Joseph Eriobu, ayon sa report ng Spin.ph.

Kumana ng 11.64 points, 3.91 rebounds at 6.27 na assists noong nakaraang season, ang pinakamagandang takbo ni Pinto sa kanyang PBA career.

Hindi pa naaprubahan ang nasabing trade ngunit inaasahang ma-review ng liga bago ang PBA Philippine Cup. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?