64
gay-wedding
By

Pinsan ni Queen Elizabeth, ikakasal sa unang gay royal wedding

Matapos ang kasal nina Prince Harry at American actress Meghan Markle, inanunsiyo ang kauna-unahang gay wedding sa royal extended family.

Nakatakdang ikasal ang pinsan ni Queen Elizabeth II na si Lord Ivar Mountbatten, 55, sa long-time partner nitong si James Coyle sa isang pribadong kapilya sa pagmamay-ari nitong lupa sa Devon sa England ngayong summer.

Nagladlad ng kanyang tunay na kasarian si Lord Ivar noong 2016 matapos nitong i-divorce ang kanyang asawa na si Penny.

Pumayag umano si Penny sa divorce at pinalaya siyang makasal sa kapwa niya lalaki dahil sa kanilang mga anak.

Ayaw na umano sanang maikasal ni Lord Ivar pero ginagawa niya ito para sa kanyang magiging husband-to-be na si James.

“I really wanted to do it for James. He hasn’t been married. For me, what’s interesting is I don’t need to get married because I’ve been there, done that and have my wonderful children; but I’m pushing it because I think it’s important for him. James hasn’t had the stable life I have. I want to be able to give you that,” sabi ni Lord Ivar sa Daily Mail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?