261

Nov 6, 2017 @ 15:45
By

Pinsan ng Maute brothers, 8 pa patay sa sagupaan sa Marawi

Patay ang siyam na Maute ISIS stragglers na kabilang sa natitirang mga terorista sa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, dahil sa walang tigil na sagupaan mula madaling-araw hanggang kahapon ng hapon ay napatay ang siyam na stragglers.

Kabilang sa mga nasawi si Ibrahim Maute, alyas Abu Jamil, ang pinsan ng magkapatid na Omar at Abdulah Maute.

“The deaths of these nine terrorists were a result of fierce fighting from early dawn of November 5 until late afternoon. Among those slain is Ibrahim Maute alias Abu Jamil, a cousin of Maute brothers Omar and Abdulah,” sinabi ni Col. Brawner.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang pagtugis ng militar laban sa mga natitira pang Maute ISIS stragglers sa main battle area.

Nanatili naman ang panawagan ng militar sa publiko lalo na sa mga residente ng Marawi na delikado pa rin ang pumunta sa main battle area sa lungsod dahil sa pananatili ng mga natitirang terorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?