70

Jan 3, 2018 @ 14:41

Pinsala ni Vinta, umabot sa P242-M

Aabot na sa P242.69 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Vinta sa Zamboanga Peninsula (Region 9), Northern Mindanao (Region 10) at Davao Region (Region 11).

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasama sa mga istrukturang nasira ng Bagyong Vinta ay ang spillway type water dam sa Barangay Good Year sa Bayan ng Kabasalan sa Zamboanga Sibuhay.

Sinira rin ng bagyo ang Pagayawan-Dimarao Bridge at Esperanza-Babalaya Hanging Bridge sa Bacolod, Lanao del Norte.

Napinsala rin ang tulay na nagdurugtong sa Bayan ng Mahayag at Dumigag, Zamboanga del Sur, pati na ang sampung metrong bahagi ng Salug Daku Bridge sa Barangay Poblacion sa Mahayag Zamboanga del Sur. Maricel Diaz

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?