35

May 20, 2020 @ 21:03
By

Pinsala ni ‘Ambo’, pumalo sa P2B

Tinatayang nasa P2 bilyon ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Ambo sa imprastraktura at agrikultura sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Miyerkoles.

Umabot na sa P2,139,771,360 ang halaga ng damage ng bagyo sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas at Cordillera.

Sa agrikultura ay P1.5 bilyon ang pinsala ni “Ambo”, na P1 bilyon ay mula sa Cordillera.

Ang imprastraktura naman sa Cagayan Valley ang lubhang napinsala ni “Ambo” na umabot sa P500 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?