69
sws
By

Pinoys ‘neutral’ sa Bangsamoro Organic Law – SWS

“Neutral” o walang kinikilingan ang mga Filipino sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na tinawag nang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Batay sa resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong Hulyo 20, 40 porsiyento ng Filipinos ang “undecided” o hindi makapagdesisyon kung dapat bang ipasa ng Kongreso ang BOL habang 31% ang payag dito.

Samantala, 28 porsiyento naman ang nagsabing hindi sila sang-ayon sa pagpapasa ng BOL.

Binigyan ito ng net agreement score na +3 o “neutral”, ayon sa SWS.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 27 hanggang 30 sa 1,200 respondents.

Naitala ang pinakamataas na pagpabor sa BOL sa Mindanao sa 36%, sa Luzon ay 29 porsiyento habang sa Visayas ay 26%.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?