11
tennis
By

Pinoys, bigong umabante sa semis ng Davis Cup sa Malaysia

Sharing is caring!

Hindi nakasulong ang bataan ng Pilipinas sa semifinal round matapos pasukuin ng Uzbekistan, 2-0, sa Under-16 Junior Davis Cup Asia/Oceania Final Qualifying tournament sa Kuching, Malaysia.

Yumukod si Jose Antonio Tria kay Azizbek Dadabaev, 3-6 7-6(3) 2-6, sa unang singles, habang pinadapa si Michael Francis II ni Olimjon Nabiev, 3-6, 1-6, sa magkahiwalay nilang quarterfinal match sa Sarawak Lawn Tennis Association.

Haharapin ng Uzbekistan ang Hong Kong, na winalis ang South Korea, 2-1, para sa unang semifinal match.

Tampok naman ang labanan ng Japan at Australia para sa ikalawang karibalan ng semis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?