16

Apr 19, 2021 @ 16:50
By

Pinoy tinangayan ng sasakyan, kinaladkad pa sa California

Iniimbestigahan kung hate crime ang naging pag-atake sa isang 65-anyos na Pilipino sa Oakland, California.

Ayon sa NBC Bay Area report, pinalo ng baril sa ulo ang biktima sa labas ng FoodMaxx grocery store noong Huwebes, Abril 15.

Matapos ay tinangay ng mga suspek ang sasakyan niyang isang puting Toyota Corolla ngunit sinubukan ng biktima na kumapit sa sasakyan kaya nakaladkad siya hanggang sa parking lot.

Ang nasabing sasakyan lang kasi ang pinagkukunan ng kita ng biktima bilang isang driver sa ridesharing company na Lyft.

Sabi ng pamangkin ng biktima, akala ng mga suspek ay Chinese ang kanyang tiyo dahil pinag-uusapan daw ng mga ito habang ninanakaw ang sasakyan ang tungkol sa COVID at pagiging Asian American nito sa Amerika.

Dinala ang biktima sa Highland Hospital habang nananatiling pinaghahanap ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?