45

Feb 22, 2020 @ 11:11
By

Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa UAE

Isang Pinoy ang kumpirmadong may coronavirus disease sa United Arab Emirates.

Ayon sa Ministry of Health and Prevention (MOHAP), ang 34-anyos na Filipino ay nakasalamuha ang isang tao na na-diagnose sa COVID-19.

Kasama pa nitong nagpositibo sa coronavirus ang isang Bangladeshi.

Nasa stable na kalagayan naman umano ang Pinoy ay Bangladeshi, ayon sa MOHAP.

“It affirmed that it is screening all persons in close contact with the confirmed cases to avoid spreading of the disease and to ensure the safety of the community,” saad ng ministry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?