6
nayre
By

Pinoy table tennis player, lalaro sa 2018 Youth Olympics

Sharing is caring!

Ang 18-anyos na table tennis player na si Jann Mari Nayre ang kauna-unahang junior representative ng Pilipinas sa darating na 2018 Youth Olympics.

Nasiguro ni Nayre ang kanyang spot para sa Youth Olympics nang makaalpas ito sa Rorotonga leg ng Youth Olympic Qualifiers sa Cook Islands.

Hindi man naging maganda ang unang laro nito sa first round ng qualifiers dahil sa pagkatalo niya sa Irish na si Cathcart Owen, 1-4, agad namang bumangon at bumawi si Nayre at tuluyan nitong winalis ang kanyang mga kalaban.

Iba’t ibang manlalaro mula sa Australia, Jordan, at Canada ang pinaluhod ni Nayre sa ikalawang round upang makatungtong ito sa championship round at matalo si Vanish Jacobo ng Panama, 4-2.

Ang table tennis event ng Youth Olympics ay gaganapin sa Tecnópoli, Buenos Aires, Argentina mula Oktubre 6 hanggang 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?