46
kulong-arrested
By

Pinoy student ikinulong sa Hong Kong dahil sa baston

Sharing is caring!

Nakulong ng apat na araw sa Hong Kong ang isang Filipinong estudyante dahil sa mga baston sa kaniyang bagahe.

Sa report sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni Consul General Antonio Morales na dinakip sa Hong Kong International Airport ang estudyante noong Enero 8 dahil nakita sa kaniyang check-in luggage ang dalawang extendable baton.

Patungo sa Canada ang estudyante at nag-stop-over lamang sa Hong Kong.

Ngayong araw lamang ito pinayagang makaalis matapos ang legal representation at tulong ng konsulada roon ng Pilipinas.

Kasunod nito, nagpaalala ang DFA na bawal ang extendable baton na ipasok sa Hong Kong dahil isa ito sa mga itinuturing doon na mapanganib na armas.

Bawal din doon ang stun gun, pepper spray, tear gas, flick knife o balisong at knuckle duster.

Ang makukumpiskahan nito sa Hong Kong ay maaaring makulong ng hanggang limang taon at pagmumultahin ng HK$100,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?