144

Aug 1, 2021 @ 22:49
By

Pinoy street food patok sa New York

Nangangamoy Pinoy street food ang New York City dahil sa isang Pinoy na nagnegosyo ng mga naturang pagkain sa lugar.

Sa isang TV report nitong Linggo, nakilala sa siyudad si Robin John Calalo, na nagtitinda ng mga streetfood gaya ng isaw, betamax, Adidas at tenga ng baboy.

Kwento ni Calalo, noong umpisa ay mga pamilya at kaibigan lamang ang tumatangkilik sa kanyang mga paninda ngunit nang lumaon ay pati mga banyaga ay napapabili na sa kanya.

“I decided to buy from market with $50 then I cooked. I prepared a lot then I sold it. The first one who bought from me are friends and family,” wika ni Calalo.

At mula sa puhunang $50 (P2,500) noong 2019, kumikita na siya ngayon ng P200,000 kada linggo.

Kaya naman tinagurian na rin siya sa lugar na ‘Boy Isaw.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?