22

By ,

Pinoy slugger Sabalde bagsak kontra Chinese

Sharing is caring!

Hindi umubra ang angas ng Filipinong boksingero na si Anthony Sabalde (12-8, 7 KOs) matapos mapabagsak sa ikalimang round ni Chinese fighter Wang Lei sa ika-100 boxing event ng SECA sa Zi Space, Beijing, China.

Ito ang unang pagsalang ni Wang sa professional boxing at agad niyang nakuha ang panalo.

Napahanga ni Wang ang manunuod sa bilis ng kanyang mga kamay habang sa ikalawang round na ng laban nakuha ni Sabalde ang tamang timpla at nakipagsabayan sa karibal.

Pinatunayan ni Wang na hindi siya basta-basta dahil halatang nahirapan si Sabalde na makatama ng mga solidong suntok sa katawan.

Pagpasok ng fifth round, doon na nagpakilala si Wang nang paulanan ng mga suntok ang Pinoy boxer na nagpabagsak sa kanya sa ika-2:15 minuto.

Ito pa lang ang ikalawang beses sa karera ni Sabalde na natalo siya via knockout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?