53

Jan 13, 2022 @ 15:43
By

Pinoy singer napabilib si Shawn Mendes: ‘My heart literally stopped’

Hindi makapaniwala si “Binibini” hitmaker Zack Tabudlo na magre-react si “Señorita singer” Shawn Mendes sa kanta niya.

Isang black heart ang comment ni Mendes sa video ni Tabudlo kung saan gumawa siya ng sariling version ng kanta ng international singer na “It’ll Be Okay”.

Ni-like rin ni Mendes ang naturang video sa TikTok.

“MY HEART LITERALLY STOPPED. HOW DID I NOT SEE THIS. SHAWN FREAKIN MENDES FRKIN COMMENTED AND LIKED MY TIKTOK COVER OF HIS SONG WTF,” ani Tabudlo sa Instagram post.

“IM SHAKING WHAT DO I DO. MY HEART. MY SOUL. I CANNOT STOP SHAKING WHAT IS HAPPENING. HOW. WHAT. IS THIS REAL. LIFE,” dagdag niya.

Noong Disyembre nag-number one sa Spotify ang viral hit ni Tabudlo na “Binibini”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?