54

Dec 5, 2020 @ 10:31
By

Pinoy sinalba Amerikanong sailor sa Atlantic Ocean

Milagrong maituturing ang nangyari sa isang Amerikano na tumaob ang bangka sa gitna ng Atlantic Ocean matapos na masagip ng isang crew na may kasamang Pinoy.

Nag-viral ang post ni Lacruiser Relativo, isang Pinoy na merchant mariner, matapos silang makasagip ng isang Kano nang dumaan ang kanilang barko sa Atlantic Ocean.

Sa Facebook post ni Relativo, binahagi nito ang nangyari noong November 29, kung saan nagising siya sa tawag ng kanilang call of duty officer dahil nakakita ng isang lalaki na kailangan ng rescue,

Agad na nilapitan ng barko ang lalaki na kinilalang si Mr. Stuart, at nang kausapin na siya ng Pinoy ay bigla na lang itong naiyak.

“By the look on his face, I saw his teary eyes as he made sign of the cross. He was drifted in the open sea for days, maintaining his stance at the top of his capsized boat, to not make any single move as it may trigger his yacht to sink fully,” saad ni Relativo.

Kaagad nilang binigyan ng pagkain at siya ay naman ay nagbigay ng kanyang tinatawag na ‘lucky shirt’ para sa maswerteng sailor.

“The story of Stuart is no different from others who are pleading for help today; in this time of pandemic. You don’t need to sail out in the ocean to rescue and serve your purpose,” mensahe pa ni Relativo.

 

 

https://www.facebook.com/lacruiser.relativo/posts/10218397305665320

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?