11

Aug 4, 2020 @ 8:30
By

Pinoy sa New York namatay sa COVID19

NEW YORK – Isang masayahin, mabait at matulungin sa kapwa Pinoy ang 72 taong gulang na si Felix De Guzman na namatay sa coronavirus.

140 araw nakipaglaban sa COVID19 si Felix bago ito binawian ng buhay sa Elmhurst Hospital sa Queens, New York.

Ayon sa mga kaibigan ni Felix, pinilit nitong labanan ang nakakamatay na virus pero hindi na rin kınaya ng katawan nito ang lupit ng virus.

Posible daw na nakuha ni Felix ang virus sa kanyang trabaho.

Kasalukuyang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus sa Estados Unidos.

Batay sa bilang ng John Hopkins University, pumalo na sa mahigit 155,000 katao ang pinatay ng coronavirus at inaasahang tataas pa ito dahil patuloy ang paglobo ng mga nagkakasakit na ngayon ay umaabot na sa 4,700.000.

Kabilang sa mga nakapagtala ng may pinakamaraming nahawa at namatay ang Florida, Texas, California at Arizona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?