15

Jul 20, 2021 @ 15:37
By

Pinoy sa Myanmar patay sa COVID

Isang Pilipino sa Myanmar ang pumanaw dahil sa coronavirus disease.

Ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr., walo pang Pilipino ang positibo sa COVID-19 sa nasabing bansa.

“May isang Pilipino nga ang nagkaroon ng COVID na ang nagbigay sa kanya ng oxygen ay employer niya, pero pagdating sa ospital wala na siyang oxygen. So, pumanaw po ‘yung Pilipino na ‘yun,” pahayag ni Kapunan sa Teleradyo.

Noong nakaraang linggo aniya namatay ang Pilipino at hinihintay na ng embahada ang na-cremate niyang labi na maihatid sa Pilipinas.

Samantala, walo naman aniyang COVID positive na Pilipino ay pito ay nagpapagaling na habang isa ang nasa kritikal na kondisyon.

Ani Kapunan, batay sa kanilang analysis at ng mga doktor, lumalala ang COVID situation sa Myanmar subalit hindi nalalaman ng publiko dahil sa reporting system ng naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?