347

By

Pinoy sa Maryland, nanalo sa lotto gamit ang winning numbers ng 6/58

Sharing is caring!

Isang Pinoy ang naambunan ng grasya matapos tumaya sa lotto sa Maryland gamit ang winning combination sa Ultra Lotto 6/58.

Si Edgardo Antido, residente ng Fort Washington, ay nanalo ng tumataginting na $50,000 dolyar sa Bonus Match 5 gamit ang pampanalong numero sa October 9 draw (3-12-16-36-38 maliban sa 46).

“I watched the drawing from October 9 for UltraLotto and decided to use those same numbers to play Bonus Match 5,” pahayag ni Antido sa local site na Maryland lottery.

Itinago pa ni Antido ang pagkapanalo, at nagpasama sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan upang makuha ang premyo.

“I was like, ‘Whoa,’” sambit pa niya “I was so shocked, I couldn’t sleep.”

Gagamitin ng Pinoy ang napalanunan para sa bakasyon at ang iba ay ilalagak sa bangko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?