38

Jun 26, 2020 @ 18:38
By

Pinoy sa abroad na may COVID-19, 8,417 na

Nadagdagan ng 56 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng coronavirus disease.

Ayon sa DFA, 8,417 na ang total tally ng overseas infections ng mga Pinoy.

Samantala, umakyat naman sa 536 ang death toll matapos pumanaw ang 23 pa.

Lima naman ang bagong nakarekober kaya umakyat sa 5,081 ang total recovery ng Pinoy overseas.

Dagdag ng DFA, karamihan sa kumpirmadong kaso ay sa Middle East at Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?