30

May 6, 2020 @ 21:15
By

Pinoy sa abroad na COVID-19 positive, malapit na sa 2,000

Pasampa na sa 2,000 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na dinapuan ng coronavirus disease.

Ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Miyerkoles, umabot na sa 1,905 ang kabuuang Pinoy overseas na tinamaan ng virus matapos makapagtala ng panibagong 38 na kaso.

Samantala, sampung Pilipino naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling kaya 523 na ang total recoveries.

Nadagdagan naman ng isa ang death toll.

Sa Europe pa rin nakapagtala ng may pinakamaraming Pilipino na COVID positive sa 608 case, 73 death at 147 recovery.

Sinundan ito ng Amerika sa 488 case, 121 fatality at 132 recovery.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?