12

May 10, 2021 @ 10:07

Pinoy rower Nievarez pasok sa Tokyo Olympics!

Isa pang Pinoy ang magpapakitang-gilas sa Tokyo Olympics sa Hulyo.

Sa Facebook post ng Philippine Rowing Association (PRA), kinumpirma na nakapasok si Cris Nievarez sa men’s single sculls ng quadrennial event.

“We are happy to share that the Philippine Rowing Association received confirmation from World Rowing [Federation] that we have qualified for the Men’s Single Sculls (M1x) for the Tokyo Olympic Games,” saad ng PRA.


Tumapos si Nievarez ng fifth place sa semifinals event, ngunit bigong makaabante sa finals ng Asia Oceania Continental Qualification Regatta.

Nasa 9th place lang ang Pinoy rower sa overall rankings, ngunit nag-qualify sa Olympics matapos na magkaroon ng mas magandang clocking sa ibang event ang mga nauna sa kanya.

Si Nievarez ang ikawalong Olympian na Pinoy na sasalang sa Tokyo, pinangungunahan nina Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at 2019 Southeast Asian Games gold medalist Carlos Yulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?