14

Sep 12, 2020 @ 14:06
By

Pinoy resto sa Toronto niratrat, 2 sugatan

Binulabog ng pamamaril ang isang Filipino restaurant sa Toronto, Canada nitong Miyerkoles.

Ayon sa report ng Toronto Sun, nangyari ang pagpaputok sa Marcelina’s Filipino Restaurant sa 355 Wilson Ave. bandang alas-9:25 ng gabi.

Isang indibiduwal sakay ng pulang sasakyan ang namaril patungo sa resto, kung saan dalawang tao ang nasugatan.

Ang isa ay natamaan sa balikat, habang nadaplisan naman ng bala ang isa pa sa bandang likod.

Tinamaan din ang bintana, upuan at pader ng naturang resto.

Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya ang gunman sa naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?